Sunday, November 15, 2009

SWAC 3..Swak na Swak

Sheerwill Aquathlon Cup 3
Nobyembre 13, 2009
Mahogany One, Taguig
400M langoy, 7Km takbo, 400M langoy

May mga desisyon na dapat panindigan, mga pagsubok na dapat harapin, mga bagay na dapat pagsumikapan, ito ang mga katagang bumabalot sa aking isipan buhat ng ako'y magpasyang lumahok sa Sheerwill Aquathlon Cup 3. Masasabi kong hindi ako handa na sumabak sa ganitong karera, ni sumagi sa aking panaginip na magagawa ko ang bagay na ito. Ako ay isang runner ngunit hindi swimmer, isang novice na walang karanasan sa ganitong larangan. Dahil sa impluwensya ng takbo.ph lalo nila Rico, Ellen, Raff, Marga, Pepsi, Carina, Ross, Rodel at Mccoy, naging interesado ako na matuto. Maaring ito ang simula upang magpatuloy ako sa aking pangarap, pangarap na maging tri-athlete sa darating na panahon.

swac3 registration (by marga, doc pinks, que, cindy)

marking (by tracy)

ready to swim (wave 2) mga nagmamagaling

Biglaang desisyon, yan ang nangyari ng ma-corner ako ni Rico sa SB upang hingin ang aking kompirmasyon na lumahok sa SWAC3. Sa una, ako'y nag-alinlangan ngunit nanaig pa rin ang aking excitement. Tila ba may pintong nagbukas na subukin ang aking pagkatao, isang adventure na maidadagdag ko sa aking talam-buhay.

freestyle! seryoso?

Dumating ang araw na ako'y nag-duda sa aking kakayahan. Matapos mag-sink in sa akin kung ano ba talaga ang karerang pinasukan ko. 400 metrong langoy, 7 kilometrong takbo at 400 metrong langoy, paano ako lulutang, pano ako lalangoy, saan ko huhugutin ang aking hininga, makakatabo pa ba ako? Ngunit, hindi ito naging balakid upang ako ay mag-quit, fighting spirit sabi ng iba, guts sabi ni coach Mar. Sa totoo lang, di ako marunong lumangoy, malakas lang ang loob ko at sadyang makapal lang ang aking mukha. Pinagsumikapan kong magsanay, tatlong araw bago ang karera. Ilang galon din ng tubig ang aking nainom, isang 15ml din ng omega pain killer din ang aking naubos.
ready to run after the 400m swim

Oras na ng karera, ito na, bahala na si Batman kung ano ang mangyayari. Itinatak ko lang sa aking isipan na i-enjoy ang tubig at ang daan. Halong kaba at kagalakan ang aking nadarama bago ang hudyat. Di pala biro ang aquathlon, kaya bilib ako sa mga lumahok at tinaggap ang hamon ni Sheerwill. Here is my salute!

the host, the commisioner and chicksnimanok awarding me (my 1st medal)

Sobrang nagpapasalamat ako sa mga suporta, hiyaw at encouragement ng mga taong naging parte ng SWAC3, organizers, marshalls, cheerers, photovendoers at participants. Parte din kayo ng aking tagumpay, seryoso!
the marshalls, cheerers and supporters "maraming salamat"

"Masaya ako dahil natapos ko ang karera. Masaya ako dahil dito ako nagkaroon ng unang medalya. Masaya ako dahil may naidagdag ako sa libro ng aking buhay. Masaya ako dahil nag-enjoy lahat. Masaya ako dahil naging matagumpay ang SWAC3"

SWAC3 class picture

*photos courtesy of carlo and mccoy

1 comment:

Rico Villanueva said...

Isang mahusay na desisyon ang iyong pagsali. Binabati kita dahil natapos mo ang karera ng merong compinyansa sa iyong sarili at may ngiting bakas sa iyong mukha.