Tuesday, February 09, 2010

The 42K Journey of the Hermit

Condura Run 2010 – Run for the Dolphins
Ika-7 ng Pebrero, 2010 – Fort Bonifacio, Taguig – Skyway
Distansya: 42.195K
Oras: 5hr22mn43sc

the newborn marathoner
“Ready na ba ako? Nasa kondisyon na ba ang katawan ko? Panahon na ba?” Ito ang mga katanungang naglalaro sa aking isipan bago ako mag-desisyong subukin ang aking kakayahan sa isang full marathon. Na-inspire ako sa mga kwento ng kapwa ko mananakbo, challenging sabi nila…yun nga lang, dapat isa-alang-alang ang perfect timing at sapat na training. Parte na ng buhay ko ang pag-takbo, ang pagle-level up ay bahagi na nito. May goal ako, may gusto akong patunayan sa sarili ko…alam ko ang kakayahan ko, alam ko kung hanggang saan ang limitasyon ko, kung kailan ako bibitaw, kung kailan ako susuko..


Ang Condura Run Skyway Marathon ang nagbigay-daan sa akin upang tuparin ang isang hangarin, hangarin na makapag-full marathon ngayong 2010. Alam ko, hindi pa ako hinog, kulang pa sa karanasan, newbie, pero gusto kong mapatunayan na ang determinasyon at disiplina ay maaaring maging paraan upang maabot ang aking minimithi.

TENSYONADO! ganyan ko maide-describe ang aking damdamin ilang oras bago mag-simula ang hudyat ng 42K gun start. Kasama ang Team Galloway (tracy, carina, timmy, doc marvin, carlo, raff at doc art), umikot kami sa palibot ng BHS upang ikondisyion ang aming katawan..walang akong kibo, walang imik, takbo lang sa gitna ng dilim, sa malamig na ihip ng hangin. Napawi ang aking kaba kahit paano, sa mga sambit buhat sa kapwa ko mananakbo, goodluck, ingat, enjoy the race, kita-kits sa skyway…sinabayan pa ng fireworks na nagpa-gising sa lahat…



Maganda ang aming simula, sa Galloway training plan na 5:1..Bayani rd, Kalayaan flyover, Buendia ave, takbo.ph aid station hanggang sa marating namin ang Skyway, naging consistent ang aming takbo. Target ko ang 5:30 finishing time, mabilis sa isang virgin marathoner kung tutuusin…ngunit ito ang naging motivation ko upang matapos ko ang aking unang marathon sa loob ng 6hr cut-off time…Split time ng grupo ay 2:25hr, maganda at maayos… ngunit bahagyang napawi ang lakas ng bawat isa matapos ang skyway turn-around, may naiwan, may nauna…
Kasama si Tracy at Carina, binaybay namin muli ang kahabaan ng skyway, bumagal man, ngunit ang lakas at tatag ng loob ay nanatli, hanggang sa umabot sa skyway hill, ang pinakahihintay ko…


Sa pagbaba ng skyway, doon ko naranasan na unti-unti ng nilalamon ng hapo ang buo kong katawan hanggang sa marating ang aid station ng takbo.ph…kakaibang suporta ang naramdaman ng bawat isa sa amin…sa tugtog ng musika, sa hiyaw ng mga kasama, sa saging na ipinamamahagi…Pinagpatuloy ko ang aking pagtakbo at madalas na paglakad…here we go again, kalayaan flyover, isang nag-uumapaw ng takbo ang aking ginawa hanggang sa marating ang tuktok ng tulay…
Ang nalalabing 5 kilometro ng ruta ang tuluyang nagpabagsak sa aking katawan…ang araw ay tuluyan ng naghari..manhid na ang katawan ko, paralyze na ang paa ko…ngunit nagpatuloy pa rin ako hanggang sa huling 2 kilometro, wari ba’y sinukluban ako ng langit at lupa, trinaydor ng aking kakayahan…bahagyan napaiyak ako…hinahanap ang aking pamilya, ang aking mga kaibigan…san sila? bakit ako nagiisa?..saglit akong huminto at muling humugot ng lakas ng loob at isipan sa Maykapal, hanggang sa naka-tanggap ako ng isang text message mula sa isang kaibigan, na nagbigay sa akin ng encouragement na tapusin ko ang sinimulan ko…
cess the bunso...my pacer for my last 100m sprint
Muling nag-balik ang aking lakas matapos kong makita ang isang kaibigan na naghihintay sa akin, kaibigang di alintana ang init na dulot ng araw…kaibigang sinamahan ako hanggang sa marating ko ang finish line…
my finishing moment
Nag-uumapaw ang puso ko sa kagalakan at kaligayahan matapos kong makita ang aking ina at kapatid sa sa finish line, ang pagsalubong at pagyakap ng mga kaibigan sa takbo.ph at ang pagdiriwang sa tagumpay ng bawat mananakbo…SALAMAT!
we conquered the skyway

my takbo.ph family...the masters
dahil sa karanasang ito, mas lalong tumaas ang pagtingin ko sa mga mananakbo ng full marathon. Saludo ako sa inyo…Salamat team CB, team Galloway, cess, jhun c., mccoy, pepsi, zi, and margalicious..kudos to condura organizers.…hanggang sa muli!
p.s. salamat cap tere sa pagsalubong ng isang masigabong yakap matapos akong mag-cross sa finish line ;) woot woot
the banner by margalicious

photogs - carmen, brando, que/jinoe, mccoy

5 comments:

Rico Villanueva said...

Naks, ang galing ng finisher moment =)

Tracy Carpena said...

congrats, pacemate and HM/FM classmate earl! :-) saludo ako sa 'yo!
the whole condura experience was fun and i'm thankful for sharing it with you and the takbo family, including the training, mini CB race, rizal day run, pati na din ang mga trash talk (you coached ellen well! haha.)
cheers to more miles! :-)

Anonymous said...

Nice post! congrats ulit. we're proud of you! ultra naman! :D

-Cess

lolo_earl said...

rico, sobrang memmorable pala ang fm...salamat
tracy, classmate nga pala tayo for our hm and fm, pati sa 32K, pano let's hit the road again for ultra? haha..see you
princess, kala ko di ka darating pero dumating ka, salamat (sobrang cheesy)

Run Kick Smash said...

Congrats Earl! Nice post!

-Sid