Friday, September 03, 2010

Ang Pagtutuos...PAU "65k++ Ilocos Norte" Run - P2P

"hanggang pagudpud pala tatakbuhin niyo, malayo pa pero kaya niyo yan?"  wika ng isang kapwa ko ilocano sa kahabaan ng provincial highway ng ilocos norte (burgos, ilocos norte)
ang kasama ko sa buong takbo...
Maiintindihan ko kung sabihan man ako ng isang ordinaryong mamamayan na nababaliw o wala sa katinuan kung bakit ako tatakbo ng milya-milya...para saan? para kanino?..ako din, walang konkretong dahilan...maaring enjoy lang, trip lang sabi nga ng iba o kaya im just doing it out of passion...
lakbay lakay by rod apolinario
Ilang araw matapos ang 1st PAU 50K Tanay, napaisip ako, bakit di ko gawing paraan ang pagtakbo sa aking apostulate tulad ng ginagawa ng iba?...enjoy naman ako, parte na ng buhay ko ang pagtakbo, adik na ako dito at mas magkakaroon na ng saysay ang bawat hakbang na gagawin ko kung may direksyon ito...kinausap ko ang aking magulang na tulungan ako na humanap ng mga taong magbibigay ng pledges, swerte at may mga naniwala at nagtiwala...ang mapasaya ang mga bata ng Mission of Charities ngayong darating na pasko...mas lalo akong na-motivate, na-inspire na mag-training kasama ang aking mga kaibigan sa Team CB...salamat coach argo at allan, ang pataasan ng pang-araw araw na kilometrahe natin ang siyang  nagpalakas sa akin...although katuwaan lang, batid ko na seryoso ang bawat isa sa atin

PASUQUIN, Ilocos Norte, August 29, 2010

Km 0, 04:15. mahigit isandaang mananakbo ang nagtipon-tipon sa harap ng munisipyo ng Pasuquin upang subukin ang sarili kasama ang mga kaibigan na taos-pusong handa na magsuporta animnaput limang  kilometro patungong Pagudpud, Ilocos Norte...dama ko ang kaba at excitement ng bawat isa, mainit ang hangin, picture taking, hanggang sa ibigay ang hudyat ni BR, alas singko ng umaga...
starline - pasuquin ilocos norte

Km 3. naging maganda ang aking simula, easy pace kasama ang Team BR Professionals...bilang inspirasyon sa nakaraang PAU Tanay, minarapat ko na sundan ang pace ni kap tere...alam kong mabilis, bahala na kung saan ako bibitaw

Km 6. dahil sa advice ng aking manghihilot, sinimulan ko ang pag-candy ng luya...ayon sa mga eksperto, ang luya ay pwedeng maging liniment sa buong katawan upang magbigay lakas, at maiwasan ang pag-atake ng pulikat (- kuya kim) na lumamon sa akin sa nakaraan Milo Marathon.
"oi, para saan yan?" pepsi
"para wag daw mag-cramps sabi ng manghihilot"  earl
"go!, kung yan ang makakatulong sa 'yo" pepsi
weirdo kung tutuusin pero parang epektib naman..i'll consider it na as my PAU ritual...:) salamat simply_wilnar sa pagsama sa akin sa paghanap ng luya sa bayan ng Pasuquin

Km 16. ramdaman ko ang bigat ng hydration bag na kabibili ko, mahirap palang gamitin, di ko pa tantyado ang naiinom ko, pero slightly nakatulong naman sa first few kilometers...sakto, nakita ko na ang mid-pack support at tuluyang ipinaubaya ito
Km 20. kakaibang pakiramdam nang abot-tanaw ko ng nasilayan ang burgos lighthouse, ngunit dito ko rin naramdaman ang pa-pulikat ko ng mga binti...natakot ako...minarapat kong magdahan dahan hangang sa marating ang Burgos Lighthouse, ang unang check point...
burgos lighthouse
Km 30. nais ko mang iwasan ang trail, di ko na magawang umatras, kailangan kong ituloy ang aking hakbang at makaraos sa mabatong daan patungong Kapurpuraoan Rock...

Km 34. isang sorpresa ang masilayan ang islang-bato na kulay asin mula sa aking kinatatayuan pababa sa baybayin ng Kapurpuraoan...maputik, matalas na corals at madulas na daan ang binaybay ng bawat mananakbo upang makarating lamang sa ikalawang check-point...
astig by rodel argonaut cuaton
Km 35. nasalubong ko ang isang kaibigan na mas lalong nagpatatag sa akin...flashback ng nakaraang PAU Tanay, nagkataon, sa parehas na distansya...
"earl, hug na kita, di na tayo magkikita mamaya sa daan" kap tere
"loko, hinhintayin pa kita sa finishline hehe, kaya natin 'to" earl
kasunod si kate ng Team BR Professionals
"kapit ka dito sa akin, aalalayan kita, tapakan mo lang yan bato, naku hindi yan" earl
pagtapak, lubog...olats, sira ang diskarte, sayang ang moment...
wow ang puti...ng bato
Km 38.5. nabuhayan ako ng makita ko si pepsi, maan at jai na naghihintay pagkalabas ng trail...di alintana ang gutom, diretso na sa aking pagtakbo...baon ang isang slice na tinapay, mountain dew at bottled water...patay di ko nakuha ang aking gamit, walang hammer gel, walang cellphone...

Km 40. tila ba unti-unti na akong nilamon ng hapo papasok ng Bangui Windmill...dehydration, yan ang tuluyan nag-pahina sa akin
"men, dehydrated na ako" earl
"talagang di na-uubra ang gatorade, eto glucolyte, dagdag mo dyan sa tubig" ambo

Km 44. isang estranghero ang sumabay sa aking paglalakad, si chester na tubong ilocos...unang sabak nya sa ultramarathon...di na namin batid ang ganda ng Bangui Windmill dala ng tindi ng init sa mga oras na ito...ala una y media ng hapon, tuyo na ang lalamunan, kumukulo na ang tiyan, hanggang sa marating namin ang ikatlong check-point
"boss kanino yan sarsi?" earl
"sa iyo na lang, wala ng baso kaya tunggain mo na lang, marami ng tumungga dyan" team br
survial, yan na ang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko sa mga oras na ito...mabuti na lang at meron akong ka-kwentuhan 
chester puno
Km 48. ang pagdating ng nth wind ang tuluyan nagpalakas sa akin...naglaho na ang mid-pack support...dinaan ko na lang sa kapal ng mukha ang paghingi ng tubig sa support ng ibang mananakbo...kung di ko gagawin 'to paano na? saan ako pupulitin? ayaw ko sa ospital? ayaw ko mag-DNF
"boss may tubig pa ba kayo na-extra, nawawala kasi support ko, kahit yan tubig sa ice chest ok na?" earl

Km 52. kung di makatakbo, maglakad, di naman pinagbabawal...kung di makalakad, gumapang atleast umaabante ka pa rin...
"earl, bilis mong maglakad parang may motor ang paa mo, kahit i-jog ko di kita maabutan" ambo
"ang paglalakad, kasama kasi sa training haha" earl

Km 56. disoriented at suplado...ganyan na ako ng makasalubong nila chelly, lorie at julie, kapwa ko Team CB...dahil kaibigan ko sila, batid ko na naiintindihan nila kung bakit ayaw kong huminto...
"lolo, anong gusto mo" lorie, julie, chelly (sabay-sabay)
"tubig lang o may makakain ba dyan, di pa ako nagla-lunch eh" lolo
"vienna sausage" lorie
"ok ako na ang magbubukas, ang bagal mo eh, nandyan na si ambo...oi pakainin niyo si ambo ha" earl

Km 60. tuluyan kong inaliw ang aking sarili sa pagkanta, napaisip muli...kaya ko ba ang BDM?, nagdadalawang isip na ako...OA na pero ang paghanga ko sa mga BDM finishers ang nagpatatag sa akin, mas mahabang takbuhan, lakaran...mas mainit, mas mahirap...
"gusto kong umiyak pero walang nakakakita sa akin, mukha lang akong tanga" earl

Km 62. ang pag-daan sa arko ng Pagudpod ang tuluyan nagpaluha sa akin, nag-iisa na lang ako...sabay nito ang pag-buhos ng ulan na tila ba handa sa muling pagtanggap sa akin...ang hapo ay tuluyan ng napalitan ng kagalakan...muling nabuhayan ako ng loob, 30 minutes to go finishline na! nasa akin na ang trophy...

Km 65. narating ko na ang munisipyo ng Pagudpod ngunit mataas pa rin ang kompetisyon sa mga kasabayan kong mananakbo, ayaw pahuli, ayaw paiwan...ang Team CB ay nanatili sa aking tabi...
"anak ng, may limang kilometro pa pala, si BR talaga" earl

Km 69. ang natitirang lakas ay tuluyan ko ng ibinuhos, dama ko na ang pamamanhid ng buong katawaan ang bilis ng pintig ng puso, tila ba ayaw paawat sa bilis ng aking mga hakbang patungong sa aking tagumpay...
the last stride
Km 70. palakpakan mula sa aking mga kaibigan at tinitingalang ultrarunners ang sumulabong sa aking pag-tawid sa finishline...tapos na ang pag-hihirap, nasa akin na ang tagumpay...tagumpay ng aking mga kaibigang naniwala sa aking kakayahan, tagumpay ng mga taong tumulong sa akin, tagumapay ng mga batang makikinabang sa aking pagtakbo...
sa wakas
Nagwakas muli ang isang chapter ng aking buhay...ang pakikipaglaban sa aking kahinaan at sa katatagang maisakatuparan ang aking mithiin...iniwan man ako ng eroplano ngunit ang karanasaan ito ay di ko kailan man   maiwan...
bangui windmill replica awarded to me by br
Sa aking mga kaibigan, ang Team CB, Team Boring at Takbo.ph, ultrarunners at supporters, maraming salamat sa suporta mula sa simula hanggang sa matapos ang race...kay sir Jovie Narcise BR, salamat sa patakbo, sa muling paghamon sa amin kalakasan at kahinaan, sa mga surprise route na di mapapantayan...sa mga nag-goodluck at nag-congrats sa FB, sa SMS, sobrang salamat sa paniniwala sa akin...sa mga pledges buhat sa aking mga ka-opisina, kay tito Edwin Ruiz at SARF, taos-pusong pasasalamat sa pagtitiwala sa akin...at sa aking pamilya, mahal ko kayo...

Sa muling pagkikita! Let's get PAU!!!
my sweet victory by yours truly lolo

Team CB UltraRunners by Daie





Official Result: 2nd PAU 70K Run from http://baldrunner.com/


Credits to jeffrey avellanosa and friends for the nice pictures...