Sunday, November 11, 2007

BALIW na Pag-Ibig…

May mga bagay na 'di maintindihan... Tanong na gumugulo sa sa isipan... Dahilan na di mabuo-buo... Pagkakataon na 'di matupad... Ako ba'y nababaliw? O ito'y dulot lang ng amnisyang hatid ng PAG-IBIG? Naranasan kong umibig, sukli nito'y ibigin din, ngunit sa pag-big na ito'y, may nangyari ba? Sa kanyang paglisan, sa paglipas ng bawat araw, linggo at umabot ng buwan.... wala ni isang balita... "kamusta na, dyan ka pa ba?" Saan na siya ngayon? Wari’y di mahanap-hanap... Sa bawat pagpatak ng luha at tamlay ng buhay buhat ng pagdurusa, buong puso ko'ng dinibdib, sapol hanggang kaloob-looban ang hapdi at kirot dulot ng kanyang pagmamahal na nilisan. san na ang pag-ibig?... hina-hanap kung saan... paglingon sa kaliwa, siyang paglaho ng sa kanan... 'di ko maintindihan, 'di ko mawari... Saan ang hinahanap ko! Saan na ang ligayang inaasam-asam ko...Kung di siya, sino? Kalian ko makikilala? ang iginuhit ng tadhana para sa akin...